BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 22, 2011

Pagsubok By:Lea M. Fulgencio

       Sabi nila,mas mabuti na raw ang magmahal at masaktan,kaysa hindi  makaranas umibig kailanman.Ngunit hanggang kailan magiging katotohanan ang kasabihang ito?Mananatili na nga lang ba ang ating mga puso na mauilit muling masktan?Paano kapag muling umibig at dahil sa matinding sakit na dinanas ay hindi na alam kung paano muling umibig at magtiwala.
       Sa panahon ngayon,may mga taong ginagawang laro ang pag-ibig,meron din namang seryoso at kuntento sa isa,at syempre hindi naman magpapahuli ang mga taong ayaw at takot magmahal.Pero payo ko sa  mga taong takot magmahal,"kahit anong tigas ng yelo,natutunaw din sa matagalan."Sa mga taong seryoso naman kung magmahal,tama yan!ganyan nga!at sa mga taong ginagawang laro ang pag-ibig,sige!ipagpatuloy nyo lang yan!ang masasabi ko lang sa inyo,"walang kasalanang hindi pinagbabayaran."
      Ang mga pangyayari sa buahy ng tao ay ganoon din sa pag-ibig.maaring maiisip natin ang mga nakaraan,pero mahirap na itong dugtungan,at kapag ang sugat na nilikha nito ay sadyang malalim,kahit maghilom ang sugat ay manantili pa rin ang baks nito.Minsan mararanasan natin ang madapa,hindi lang minsan,kundi ilang ulit pa.Ngunit hindi tayo basta basta sumusuko,bagkus sa bawat pagkabigo natin ay lalong tumitibay at nagiging determinadong maabot ang ating mga hangad sa buhay.Magiging matatag tayo sa mga problemang dumaritang at ito'y ating nalalampasan.Kahit papaano,hinahangad pa rin nating lumigaya sa piling ng ating minamahal.Ngunit ang tanong ko,matututo ka pa kayang magtiwala,kahit ilang beses kana nyang sinaktan?Kaya mo pa kayang harapin ang panibagong kabiguan na parating kaakibat ang pag-ibig.
       Sana ay maging matatag tayo at laging handa sa mga pagsubok na nakaabang sa ating buhay.Ganoon din sa pag-ibig,sana'y maging handa ang mga puso natin na pumintig para sa panibagong pag-ibig na tapat at dalisay na sadyang nakalaan lamang sa isang taong nakatakdang maksama natin habang buhay.

0 comments: